World skin day gugunitain sa buwang ito, mga taong dinadapuan ng eczema, dumarami ayon sa mga ekperto
May temang sama-sama laban sa eczema ang isasagawang “1st National Eczema Congress o Fair “ sa Hulyo 16, 2017.
Ito ay bukas sa publiko at libre ang admission.
Layunin nito na mapataas ang public awareness at kaalaman tungkol sa nasabing skin disease.
Ayon sa Philippine Dermatological Society minarapat nilang ang nabanggit na sakit sa balat ang bigyang diin sa Congress upang maipaalala sa mamamayan na ang sakit na ito ay hindi basta basta lang dahil maaari itong makaapekto ng buhay at pamumuhay ng isang tao.
Ito ay joint celebration ng World Skin Health Day ng PDS at ng International League of Dermatological Societies.
Sa nasabing Congress, magsasagawa ng lectures at tatalakayin ang ibat’ibang topic o paksa tulad ng sun protection, ezcema and the psyche, sports and the skin, work related skin conditions, environmental effects on the skin at eczema control.
Ang nasabing event ay isa rin sa mga highlight ng pagsapit ng 65th year of service and commitment ng Philippine Dermatological Society sa publiko.
Ulat ni: Anabelle Surara