World Sleep day, ginugunita ngayong araw
Tuwing sasapit ang March 19 ng kada taon ay ginugunita ang World Sleep Day.
Kaugnay nito, nagsagawa ng Lay forum ang Philippine Society of Sleep Medicine na may temang Regular Sleep, Healthy Future.
Ayon sa Sleep Disorder Specialist, napakahalaga ng pagkakaroon ng sapat na oras ng pagtulog upang magkaroon ng malusog na pag-iisip at emosyon.
Bukod dito, kapag sapat ang tulog, naaayos ang mga tissue sa katawan at makapagdudulot ng malakas na resistensya ng katawan.
Ayon pa sa eksperto, kapag kulang sa tulog maaari itong maging sanhi ng ibat ibang sakit na tulad ng stroke, atake sa puso, problema sa atay, altapresyon at maging diabetes.
Sa panig naman ng mga kabataan, kailangan din na mayroon silang sapat na tulog upang maging maayos ang kanilang paglaki.
Payo pa ng mga eksperto, iwasan ang madalas na pagpupuyat at mainam na mayroong sleeping pattern upang maging maayos ang pagtulog.
Belle Surara