World’s Alzheimer’s month, ginugunita ngayong Setyembre

                                            photo credit: http://alz.org.pk

Ang World’s Alzheimers month ay isang international campaign na ipinagdiriwang tuwing Setyembre upang itaas ang kamalayan ng tao sa nabanggit na sakit.

Sa taong ito, ang Setyembre ay itinakda bilang 7th  World Alzheimer’s month.

Ang kampanya ay inilunsad noong 2012.

Ang World’s Alzhiemers day naman ay sa darating na September 21.

Ayon sa World Health Organization o WHO, dalawa sa tatlo katao sa buong mundo ay naniniwala na  may kakaunting kaalaman o pagkaunawa sa Dementia ang kanilang bansa.

Ang Alzheimer’s disease ang pinaka karaniwang uri ng Dementia.

Samantala, nananatili umanong global problem ang Dementia  na nangangailangan ng global action.

Ang Neurologist ang isa sa espesyalista upang mangalaga at gamutin ang isang taong dumaranas ng Alzheimers disease.

 

Ulat ni Belle Surara

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *