World’s first nationwide malaria vaccination, inilunsad ng Cameroon
Naglunsad ang Cameroon ng kauna-unahang malaria vaccination program na pangbuong bansa, sa isang hakbang na tinawag ng World Health Organization (WHO) na “makasaysayan.”
Ayon sa WHO, ang sakit na dala ng mga lamok ay pumapatay ng mahigit sa 600,000 bawat taon, na ang marami ay sa Africa.
Mahigit sa 80 porsiyento ng mga namamatay sa kontinente ng Africa dahil sa malaria, ay kinabibilangan ng mga bata na wala pang limang taong gulang.
Kasunod ng isang pilot phase, ang RTS, S vaccine ay ibibigay sa buong Africa, na sisimulan sa Cameroon.
Sa isang ospital sa bayan ng Soa, 20 kilometro (12 milya) mula sa kapitolyo nito na Yaounde, ang anim na buwang gulang na si Noah Ngah ang unang tumanggap ng bakuna sa naturang pasilidad.
Sinabi ng ina ni Noah na si Helene Akono, na sabik na rin na mapabakunahan ang kakambal na kapatid na babae ni Noah, “Some parents are reticent but I know that vaccines are good for children.”
Ang nabanggit na ospital ay isa sa maraming vaccine centers sa 42 distrito, na itinalagang “prayoridad” sa kabuuan ng malawak na African nation na may 28 milyong people.
Ayon sa gobyerno, ang bakuna ay ibibigay ng libre sa lahat ng mga bata na wala pang anim na buwan, at kasabay nito ay ang iba pang obligatory o recommended vaccinations.
Noong Nobyembre ay sinabi ng WHO, ng children’s agency ng UN na UNICEF at ng Gavi vaccine alliance, “The move was ‘a historic step’ towards broader vaccination against one of the deadliest diseases for African children.”
Mahigit sa 300,000 doses ng RTS, S – ang unang malaria vaccine na rekomendado ng WHO, ang dumating sa Yaounde sa huling bahagi ng Nobyembre.
Inabot ng dalawang buwan ang pag-oorganisa para sa paglulunsad.
Simula pa noong 2019, mahigit sa dalawang milyong mga bata na ang naturukan sa Ghana, Kenya at Malawi sa isang pilot phase, na nagbunga ng kapansin-pansing pagbaba sa malubhang kaso ng malaria at pagpapa-ospital.
Ang Cameroon ang unang ‘large-scale and systematic programme’ sa buong mundo, ayon sa WHO, na siyang coordinator ng kampanya na malawakang pinopondohan ng Gavi.
Sinabi ni Aurelia Nguyen, chief programme officer ng Gavi vaccine aliance, “In Cameroon, 30 percent of consultations are linked to malaria. Having a preventative tool like the vaccine will free up the health system and result in fewer hospitalisations and deaths.”
Ang Burkina Faso, Liberia, Niger at Sierra Leone ay nakatakda na ring sumunod sa large-scale vaccination programmes.
Ayon naman kay Willis Akhwale, special adviser sa End Malaria Council Kenya, “The rollout was a relief but not a “silver bullet.” The efficacy, much as it is saving lives, is not 100 percent, but even at 40 percent it’s saving lives and especially at the age bracket of two years old when you tend to get severe malaria.”