Worldwide Walk to Fight Poverty ng Iglesia ni Cristo, nilahukan ng daan-daang libong mga tao sa buong mundo

 

Muling nagsagawa ng sama-samang paglakad ang Iglesia ni Cristo sa ikalawang pagkakataon.

Sa pagkakataong ito, pinagtuunan ng pansin  ang paglaban sa kahirapan.

Ang charity walk ay isinasagawa sa mahigit 300 sites  sa buong mundo at ang pangunahing venue sa Metro Manila ay ginawa sa Roxas Boulevard.

Kagabi pa lamang ay napuno na ng mga lalahok ang kahabaan ng Roxas boulevard. Pami-pamilya, magkakamag-anak, magkakaibigan ang masayang sabay-sabay na kumakain, at nanuod ng konsyertong inihanda sa event.

Kasado rin ang seguridad at kaayusan sa pangunguna ng mga kagawad ng pulis, MMDA at mga miyembro ng Scan International.

Lalung dumami ang mga tao nang binuksan ang wristband distribution area at habang papalapit ang hudyat ng pagsisimula ng paglalakad.

Maging ang mga bata at nakatatanda ay lumahok rin sa paglalakad.

 

 

Maging ang mga may kapansanan ay hindi rin nagpahuli sa paglalakad.

Nagsagawa rin ng Worldwide Walk sa iba’t-ibang panig ng mundo:

Singapore:

 

Hawaii:

Eastern Canada:

Dubai:

Australia:

Washington DC:

Sa iba’t-ibang lalawigan sa Pilipinas:

Isabela province:

 

Bislig City, Surigao del Sur:

Aklan:

Bumuo rin ng human monogram ang mga INC members sa Baguio City.

Davao Occidental:

Roxas Boulevard, Pasay City:

 

Ayon kay  INC General Auditor Glicerio B. Santos Jr.,  layon ng ginawang aktibidad na  matulungan  ang mga mahihirap na kababayan natin maging sa Africa.

Una rito, nagsagawa ng unang Worldwide Walk ang Iglesia ni Cristo na kinilala ng  Guinness Book of World records bilang Largest Charity walk across Multiple venues held in 24 hours.

Sa ginawang charity walk ay natulungan ang mga biktima ng super typhoon Yolanda.

 

==================

 

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *