Worst case scenario dulot ng Omicron variant ng COVID-19, pinaghahandaan na ng Pilipinas – Malakanyang
Hindi isinasantabi ng pamahalaan na anumang sandali ay makapasok sa bansa ang bagong variant ng COVID-19 na Omicron na unang nakita sa South Africa.
Sinabi ni Presidential Spokesman Secretary Karlo Alexi Nograles na pinaghahandaan na ng Inter Agency Task o IATF ang mga kaukulang hakbang para mapigilan ang pagpasok o kaya ay pagkalat ng Omicron variant sa bansa.
Ayon kay Nograles activated na ang 4 door policy ng IATF upang maagapan ang pagpasok sa bansa ng Omicron variant.
Niliwanag ni Nograles ang 4 door policy ay kinabibilangan ng mahigpit na boarder control sa point of origin na may naitala ng kaso ng Omicron variant o kabilang sa red list countries, ikalawa mahigpit na quarantine procedure sa mga pilipinong galing sa ibang bansa, ikatlo mahigpit na pagpapatupad ng contract tracing ng mga Local Government Unit o LGU at ikaapat pagpapatupad ng granular lockdown sa mga lugar na may pagdami ng kaso ng COVID-19.
Vic Somintac