Wound dressing na gawa sa niyog: “walang dikit, walang sakit”

logo

Kawalan ng available na wound dressing na locally-produced, dahil halos lahat ng ginagamit na wound dressing sa Pilipinas ay imported at may kamahalan, ang nagbunsod kay Mr. Denver Chicano, isang Registered Nurse, upang mag-develop ng isang wound dressing na gawa sa coconut extract na mura na, madali pang bilhin.

Ayon kay Chicano, naka assigned siya noon sa Burn Unit ng Philippine General Hospital at sa madalas na pagkakataon ay siya ang nagpapalit ng gaza ng mga pasyenteng aksidenteng napaso o nasunog.

Aniya ramdam na ramdam niya ang sakit na nararanasan ng pasyente kapag pinapalitan na niya ang gaza at pinapahiran ng ointment ang sugat.

Kaya naisip niyang solusyunan ang problemang madikit at masakit, Dito nagsimula ang kanyang pananaliksik kung ano ang mainam na gamiting materials upang makagawa ng pantapal sa sugat na hindi araw-araw pinapalitan, hindi madikit at hindi makararanas ng sakit ang pasyente na tulad ng ibang pantapal.

Ginamit niya ang coconut-based cellulose wound dressing na ngayon ay kilala sa tawag na Coco Patch.

Naisip niyang coconut extract ang gamiting materials dahil pinatutunayan ng maraming pag-aaral na ang coconut ay nagtataglay ng monolaurin, isang substance mula sa lauric acid na matatagpuan lamang sa coconut oil at sa human breast milk.

Bukod dito, napatunayan rin sa medical test na epektibo itong panghalili sa wound dressing dahil napananatili nito ang skin moisture at mabilis na makapagpahilom ng sugat.

Ayon pa kay Chicano, tinulungan sila ng DOST sa pamamagitan ng programang Small Enterprise Technology Upgrading Program o SET UP upang lubos na ma-develop ang naturang wound dressing.

Sinabi ni Chicano na maraming maaaring paggamitan ang na-develop niyang wound dressing.

Maaari na rin aniya itong gamitin sa sugat sanhi ng bedsore, sa mga diabetics na may sugat na hindi gumagaling at sa mga naaksidente sa motor.

Biro pa ni Chicano, lahat ng sugat ay maaaring gamitan ng wound dressing maliban lang sa sugat sa puso.

Sa ngayon, hindi lamang wound dressing na “walang sakit, walang dikit” mayroon sina Chicano.

Gamit ang coco cellulose technology, nakapag-develop na rin siya at ang kanyang asawa ng coco-cellulose based spray products at ointment. Hindi lang isang nurse si Chicano, kundi isa ring imbentor

Please follow and like us: