Wow, Apo Reef!
Hindi maitatanggi na ang PIlipinas ay isa sa may pinakamaganda at pinakamayamang natural resources.
Mapapa-Wow! ka talaga sa ganda, di ba?
Ngunit hindi rin maikakaila na maraming isyu ang kinakaharap pagdating sa kung paano maprotektahan, ma-preserve ang ating kalikasan.
Malaking hamon para sa environmentalist groups.
This time in particular pag-usapan natin ang bahura o reef.
May napakahalaga kaming ibabahagi tungkol dito.
Sa panayam ng programang Serbisyo ng Agila kay Ms. Krystal Villanada, Protected Area Superintendent, DENR- Apo Reef Natural Park Protected Area Management Office, sinabi niya na tumanggap ng pagkilala noong July 1, 2022 ang Apo Reef Natural Park (ARNP) ng Platinum-level Blue Park Award mula sa Marine Conservation International mula sa 2022 United Nations Ocean Conference sa Lisbon, Portugal.
Ang platinum award ang pinakamataas na iginagawad ng Marine Conservation International.
Naging batayan para ma-qualify sa recognition, ang effort ng pamahalaan, non-government organizations, local government, at local communities sa projects.
Patunay na mayroong magandang pamamahala ang ARNP.
Walang cash grant, ngunit nilalayon ng award na ito ay mapalawak ang ugnayan sa iba pang organization na nagkakaroon ng ibat ibang programa at proyekto para sa marine protected areas.
Samantala, dahil napag-uusapan ang Apo Reef, ano nga ba ang reef?
Bakit mahalaga ito?
Ang reef o bahura sa tagalog, isang malaking lugar sa ilalim ng dagat na
sumusuporta sa marine resources, tahanan ng mga isda, laman dagat, source ng pagkain.
Ang coral reef ay nagiging source ng kabuhayan katulad sa ARNP, may eco-tourism activities ibig sabihin may pagkakakitaan dahil sa pagdating ng mga turista sa lugar.
Idinagdag din ni Ms. Krystal, tumutulong ang bahura para maiwasan o malabanan ang malakas na pagdating ng alon sa komunidad dahil sa epekto ng climate change,pagtaas ng tubig sa dagat, ang pag-init ng temperatura.
Ang lahat ng ito ay natutulungan ng coral reef para maka-adapt tayo, ganito kahalaga ang coral reef sa ating ecosystem.
Kaya dapat pag-ingatan ang ating mga bahura.
Dahil masisiguro nito ang sapat na kailangan natin.
Ang ilan sa kadahilan bakit nasisira ang coral reef ay ang pagsadsad ng barko o ship grounding, mga mangingisda na gumagamit ng cyanide at dinamita.
Samantala, mayroon tayong 72 marine protected areas katumbas ng 31 milyon ektarya kung saan nasa 1.4 percent lamang ng total sea area ng buong Pilipinas, sa ilalim ng pangangalaga ng DENR.
Sa ngayon 24 hours ang pagbabantay nila sa Apo Reef, nagkaroon ng radar sa buong lugar para sa monitoring.
Ang Apo Reef ay may tatlong isla, Apo island, Apo menor (locally known as Binanggaan)
at Cayos del Bajo (“keys of the bank”, locally known as tinangkapan island).
Sa Tinangkapan island ang sentro ng eco-tourism at researches.
Ang pinapayagan activities ay diving, snorkling, swimming, camping at bird watching.
Take note, bawal ang fishing at magkaraoke.
Hindi rin lumalagpas sa mahigit sa 104 na bisita kada araw ang ina-accommodate.
Pero, teka muna ha, Apo Reef ang pinag-uusapan, tatlo kasing may Apo lugar sa Pinas, ang Mt. Apo sa Mindanao, ang Apo island sa Negros, at ang Apo Reef na matatagpuan sa Occidental Mindoro.
Batay sa UNESCO World Heritage Convention, ito second largest contigous reef in the world at ang pinakamalaking reef sa Pilipinas.
Meron tayong recroded na 313 na species ng isda, 2 species ng pawikan (ang green sea turtle at hawksbill turle), mga manta ray at ang dolphins na sasalubong sa inyo.
Mga ibon, bubuli, century old mangroves forest.
Panawagan ni Ms. Krystal, hindi kailangan ng may tinapos ka sa pag-aaral para magkaroon ng concern sa kalikasan, i-appreciate matutuong mapangalagaan, kahit sa simpleng paraan may magagawa para maingatan ang karagatan.
Para naman sa bagong administrasyon, isang paraang para ma-achieve ang food security ay mapangalagaan ang mga source ng pagkain at isa na dito ang dagat.
Umaasa maisakatuparan ang pagsasabatas ng protected areas system, mas
magkakaroon ng proteksiyon at conservation.