Xi at Biden dumating na sa San Francisco para sa isang summit
Dumating na sa San Fracisco si US President Joe Biden at kaniyang Chinese counterpart na si Xi Jinping, para sa lubhang inaabangang pulong sa pagitan ng dalawang lider ng dalawa sa pinakamalaking ekonomiya sa mundo.
Ang pares ay magpupulong sa sidelines ng APEC summit sa California para sa una nilang encounter sa loob ng isang taon, makaraang ang trade tensions, sanctions at mga kuwestiyon tungkol sa Taiwan ay magpasiklab sa hidwaan sa pagitan ng Washington at Beijing.
Ang pulong ay inilarawan ni Biden bilang isang pagkakataon para maitama ang mga ugnayang nagulo nitong mga nakaraang taon.
Ayon kay Biden, “We’re not trying to decouple from China. What we’re trying to do is change the relationship for the better.”
Nang tanungin kung ano inaasahan niyang mararating ng nasabing pulong ay sinabi nito, “I wanted ‘to get back on a normal course’ of corresponding; being able to pick up the phone and talk to one another if there’s a crisis; being able to make sure our (militaries) still have contact with one another.”
Ngunit nagbabala rin si Biden na nag-iingat ang Estados Unidos na mamuhunan sa China dahil sa ‘business practices’ ng Beijing.
Aniya, “I’m not going to continue to sustain the support for positions where if we want to invest in China, we have to turn over all our trade secrets.”
Ang dalawang pangulo ay inaasahang ilang oras na magpupulong ngayong Miyerkoles sa sidelines ng Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) summit sa San Francisco.
Titipunin ng naturang forum ang 21 mga ekonomiya, na kung magkakasama ay kumakatawan sa nasa 60 porsiyento ng ekonomiya ng buong mundo.
Inaasahang makakapulong din ng dalawa ang mga pangunahing business leaders, at magsasagawa ng ilan pang bilateral meetings.
Nadiskaril ang positibong momentum mula Nobyembre 2022 sa pagitan ng pag-uusap nina Xi at Biden sa Bali, Indonesia nang pabagsakin ng Estados Unidos ang sinasabi nitong isang Chinese spy balloon, sanhi para maantala ang nakaplanong pagbisita sa Beijing ng Kalihim ng Estado ng US na si Antony Blinken.
California Governor Gavin Newsom (R) and his partner Jennifer Siebel Newsom (L) look on as Chinese President Xi Jinping (C) arrives at San Francisco International airport / Frederic J. BROWN / AFP
Nang tanungin naman tungkol sa inaasahan ng Beijing para sa summit, ay malabo ang naging tugon ng isang tagapagsalita para sa foreign ministry ng China, kung saan binanggit lang nito ang “in-depth communication” at “pangunahing mga isyu tungkol sa world peace.”
Regular na nagbababala ang China na hindi ito magbabago sa kanilang tinitindigan sa mga isyung itinuturing nilang “red lines,” gaya ng sa Taiwan, isang islang inaangkin ng Beijing na teritoryo nila, at ang kanilang expansion sa South China Sea.
Subalit ang Washington at Beijing kamakailan ay nagkaroon ng progreso sa kanilang ‘trade and economic relations,’ at sa usapan tungkol sa climate change.
Ang Beijing ay naging higit na ‘authoritarian’ sa ilalim ni Xi, at lalong ibinagsak ang kaniyang bigat sa international stage, kabilang ang paggugol ng daan-daang bilyong dolyar sa infrastructure development sa third countries bilang bahagi ng kaniyang “Belt and Road” initiative.
Kasabay nito, tila hindi na naging pabor sa Washington na gawan pa ng mabuti ang China at tumindi pa ito nang magpataw si dating US President Donald Trump ng mga sanction sa Chinese imports na sinabi niyang paraan upang makabawi ang US manufacturing.
Pero nitong nakalipas na mga buwan, ay naiba na ang tugtog at nitong Martes ay sinabi ni Biden, “A less confrontational relationship with China would benefit both sides.”
Aniya, “If in fact the Chinese people, who are in trouble right now economically, if the average homeowner, if the average citizen in China, was able to have a decent paying job — that benefits them, and benefits all of us.”
Si Xi ay makikipaghapunan sa mga pangunahing US business leaders sa kaniyang biyahe, at inaasahang isusulong niya na bawasan ang US trade curbs sa kaniyang pakikipag-usap kay Biden.