Ymer ng Sweden, wagi sa semi-finals ng Winston-Salem Open
LOS ANGELES, United States (AFP) – Pitong straight games ang naipanalo ni Mikhael Ymer para daigin ang Spanish star na si Carlos Alcaraz sa straight sets sa score na 7-5, 6-3 sa Winston-Salem Open.
Dahil dito, si Ymer ang unang Swedish player na naging ATP Tour finalist mula noong 2011.
Bumawi ito mula sa isang 3-5 deficit para makuha ang first set, pagkatapos ay nakuha niya rin ang unang tatlong games ng 2nd set para marating ang unang final ng kaniyang career.
Ayon kay Ymer . . . “I was nervous. I knew he would come out very strong. Luckily I got a chance to break him in the first set.”
Sa gaganaping finals, makakaharap ng 22-anyos na Swedish player si Ilya Ivashka na first time ring makarating sa finals, at nagnanais na maging unang Belarusian champ mula 2003.
Sa mga unang bahagi ng 2021, si Ymer ay nakarating sa 3rd round ng Australian Open at sa French Open, kung saan tinalo niya si Gael Monfils para sa pinakamalaking panalo sa kaniyang career.
Si Robin Soderling ang huling Swede na nakaabot sa isang final, nang manalo ito sa Bastad, Sweden tournament noong 2011.
Agence France-Presse