Yoon impeachment pinakamahusay na paraan upang maibalik ang kaayusan sa South Korea – opposition leader

South Korea's main opposition Democratic Party leader Lee Jae-myung and lawmakers attend a press conference after South Korean President Yoon Suk Yeol, who declared martial law which was reversed hours later, survived an impeachment motion, at the National Assembly in Seoul, South Korea, December 7, 2024. REUTERS/Kim Hong-ji/File Photo

Sinabi ni South Korean opposition leader Lee Jae-myung, na ang pinakamahusay na paraan upang maibalik ang kaayusan sa bansa ay ang i-impeach si President Yoon Suk Yeol, isang araw bago ang planong parliamentary vote kaugnay ng panandaliang pagdedeklara nito ng martial law.

Ang hakbang ni Yoon na magpataw ng martial law noong Disyembre 3 ay pinawalang-bisa makalipas ang halos anim na oras, ngunit nagdulot ito sa bansa ng isang constitutional crisis at malawakang panawagan upang bumaba siya sa puwesto dahil sa paglabag sa batas.

Protesters attend a rally calling for the impeachment of South Korean President Yoon Suk Yeol, who declared martial law, which was reversed hours later, in Seoul, South Korea, December 12, 2024. REUTERS/Kim Hong-Ji

Iginiit naman ni Yoon na “lalaban siya hanggang wakas,” na sinisisi ang partido ng oposisyon sa pagpaparalisa sa gobyerno at inangkin na na-hack ng North Korea ang election commission sanhi ng matinding pagkatalo ng kaniyang partido sa parliamentary elections noong Abril.

Ang pahayag ni Yoon ay tinawag ni Democratic Party leader Lee na isang “deklarasyon ng giyera” laban sa mga mamamayan. Aniya, “It proved that impeachment is the fastest and the most effect way to end the confusion.”

Nalampasan ni Yoon ang unang pagtatangka na siya ay i-impeach noong Sabado, nang i-boycott ng karamihan sa kaniyang ruling People Power Party (PPP) ang botohan. Pero pagkatapos noon, hindi bababa sa pitong PPP members ang lantarang sumuporta sa boto para sa kaniyang impeachment.

South Korean President Yoon Suk Yeol delivers an address to the nation at the Presidential Office in Seoul, South Korea, December 12, 2024. The Presidential Office/Handout via REUTERS

Ang Opposition parties na kumukontrol sa single-chamber parliament, ay muling nag-introduce ng isa pang impeachment bill at planong magsagawa ng botohan sa Sabado. Kailangan nila ng walong PPP members upang maipasa ang panukala at ang kinakailangan two-third majority.

Nanawagan si Lee sa opposition members upang lumahok at bumoto ng yes para sa impeachment sa pagsasabing, “history will remember and record your decision.” Ang boto para i-impeach si Yoon ang magdadala sa kaso sa Constitutional Court, na mayroong hanggang anim na buwan upang magpasya kung aalisin ito sa puwesto o hindi.

Nagkaroon ng higit pang pagpuna sa mapanghamong pahayag ni Yoon noong Huwebes, kabilang ang kanyang pag-aangkin na maaaring nakompromiso ng pag-hack ng North Korea noong nakaraang taon ang computer system ng National Election Commission, nang walang binanggit na ebidensya.

Lee Jae-myung, leader of the main opposition Democratic Party, attends an event to disband the election camp for the 22nd parliamentary election in Seoul, South Korea, April 11, 2024. REUTERS/Kim Hong-Ji/File photo

Tinukoy din ni Yoon bilang isang dahilan sa pagdedeklara ng martial law, ay ang pagtanggi ng komisyon na ganap na makipagtulungan sa isang system inspection, na nangangahulugang ang integridad ng parliamentary election noong Abril ay hindi tiyak.

Nitong Biyernes, ay itinanggi ng Secretary General ng komisyon na si Kim Yong-bin, ang posibilidad ng dayaan sa eleksiyon, sa pagsasabing ang kabuuan ng botohan ay ginawa sa pamamagitan ng paper ballots at dinismiss din ng mga korte ang lahat ng 216 na mga pag-aangkin ng iregularidad dahil walang batayan ang mga ito.

Bukod sa impeachment, si Yoon ay nasa ilalim din ng isang criminal investigation para sa umano’y insureksiyon kaugnay ng deklarasyon ng martial law.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *