Zambales Provincial Police Office, nagsagawa ng mobile blood donation activity
Matagumpay na nakapagsagawa ng mobile blood donation activity ang Zambales Provincial Police Office sa Camp Captain Conrado D. Yap, na nasa Iba, Zambales, sa pakikipagtulungan ng local government unit (LGU) ng Iba at mga kawani ng Philippine Red Cross (PRC.)
Bukod sa pagdodonasyon ng dugo, isinagawa rin ang STI-HIV testing at counseling activity para sa mga kasapi ng pulisya.
Layunin ng ginanap na mobile blood donation activity, na matulungan ang mga taga Zambales na nasa mga pagamutan na nangangailangan ng dugo, laluna ngayong may pandemya.
Ang ginawa namang pakikilahok ng mga tauhan ng pulisya sa nasabing aktibidad, ay katunayan na hindi lamang sila handa na maglingkod sa mga mamayan para mapanatili ang kapayapaan sa bawat komunidad, kundi handa rin silang magbigay ng dugo upang madugtungan ang buhay ng mga nasasakupang kanilang pinagsisilbihan.
Ulat ni Jocelyn Montano