Zamboanga city, inirekomendang isailalim sa State of Calamity dahil sa pagkalat ng ASF
Inirekomenda ng Zamboanga City Disaster Risk Reduction and Management Council (CDRRMC) na isailalim sa state of calamity ang lungsod dahil sa pagkalat ng African Swine Fever.
Ang resolusyon ay inaprubahan ni CDRRMC chairman Mayor John Dalipe upang matutukan ang problema na nakaapekto na sa 6 na veterinary districts ng lungsod.
Ipinasa na sa City Council ang resolution para sa approval.
Sinabi ni Dr. Mario Arriola, Office of the City Veterinarian chief, na sa pamamagitan ng deklarasyon ng state of calamity, magagamit ang pondo upang mapalakas pa ang kampanya laban sa ASF at mapuksa ang sakit.
Sa ginawang pagpupulong ng city government , sinabi ni Arriola na ang ASF infections ay patuloy na tumataa sa kabila ng pagananais ng lokal na pamahalaan na masugpo ito.
During the meeting, Arriola reported that ASF infections continue to soar, despite concerted and coordinated efforts to contain the animal disease.
Arriola said the ASF has already affected 733 hog raisers since the city was classified as red zone May 23.
Batay sa ulat, nasa higit 2,700 mga alagang baboy na ang namatay sanhi ng ASF at nasa 746 baaboy naman ang kinatay dahil sa impeskyon.
Kumalat na umano ang impeksyon sa 15 barangay mula sa kabuuang 98 villages sa Zamboanga city.