Zamboanga city, isinailalim sa MECQ; Tacloban city sa MGCQ
Isinailalim sa Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) ang Zamboanga city simula May 8 hanggang May 14, 2021.
Ang Tacloban city naman ay isinailalim sa Modified General Community Quarantine (MGCQ) mula May 6 hanggang May 31, 2021.
Ito ay batay sa IATF Resolution No. 114
Dahil dito, inanunsyo ni Presidential spokesperson Harry Roque ang updated list ng mga lugar na nasa ilalim ng MECQ.
Ito ay ang Metro Manila at mga probinsiya ng Bulacan, Cavite, Laguna at Rizal o ang tinatawag na NCR plus areas, at mga probinsiya ng Quirino, Abra, Ifugao, at Santiago city sa Isabela, at ang Zamboanga City.
Habang ang mga lugar na nasa ilalim naman ng General Community Quarantine (GCQ) ay ang Apayao, Baguio City, Benguet, Kalinga, Mountain Province, Cagayan, Isabela, Nueva Vizcaya, Batangas, Quezon, Iligan City, Davao City, Lanao del Sur, at Puerto Princesa City hanggang May 31.
Ang nalalabing bahagi naman ng bansa ay nasa ilalim ng MGCQ.
Inaasahang mag-aanunsyo ng susunod na Quarantine protocol ang Malakanyang sa susunod na linggo kung palalawigin ba ang MECQ sa NCR plus pagkatapos ng May 14.