Zamboanga nakapagtala ng mahigit 100 kaso ng tigdas sa buwan pa lamang ng Enero
Hindi daw kayang itaboy sa pamamagitan ng pag-inom ng ilang basong tubig ang mga inaakalang trangkaso na kumakapit sa kaawan ng tao, kung kang kaya dapat na daw magpabakuna ang bawat indibidwal dahil sa bilis ng kumplikasyon nito sa katawan ng tao.
Sa isinagawang media forum sa Zamboanga city, sinabi ni Dr. Herbert Saavedra, Medical officer-4 ng DOH-9, naging mababa ang pagtanggap ng mga taga-Zamboanga sa kampanya nila na bakuna kontra tigdas dahil takot na matulad sa Dengvaxia kung saan marami ang namatay.
Mabilis kumalat ngayon ang tigdas dahil lalo na sa mga kabataan dahil mismong ang mga magulang ay hindi na interesado sa ganitong mga programa ng gobyerno.
Gayunpaman patuloy ang kampaniya gamit ang mga polyeto at ilang magazines ng DOH -9 sa buong Zamboanga peninsula para himukin at kumbinsihin ang residente na magpabakuna na sa lalong madaling panahon para sa kaligtasan ng kanilang pamilya.
Ulat ni Ely Dumaboc