Zero- tolerance policy ipinatutupad ng DFA laban sa mga tampered o pekeng dokumento
Nagbabala ang Department of Foreign Affairs (DFA) laban sa mga indibidwal na magsusumite ng mga peke o tampered na dokumento.
Sa abiso ng DFA, sinabi na ipinatutupad nito ang zero-tolerance policy sa anumang uri ng pandaraya.
Ayon sa DFA, ang pagsusumite ng falsified documents para sa apostille o authentication gaya ng authorization letters, special power of attorneys (SPAs) at appointment slips mula sa Online Appointment System ay magreresulta sa forfeiture ng authentication application.
Bukod dito, iimbestigahan at iri-refer ng DFA sa mga otoridad ang document owners o mga kinatawan na maghahain ng mga tampered na dokumento.
Ilalagay din sa lookout list ng DFA ang mga ito at hindi makakapaghain o makapagproseso para sa authentication o apostille hanggang may imbestigasyon at evaluation.
Moira Encina