Zookeeper sa Japan patay nang atakihin ng leon
Sinabi ng pulisya na malamang na inatake ng isang leon ang namatay na zookeeper sa isang Japanese safari park.
Ang 53-anyos na si Kenichi Kato, nagtatrabaho sa Tohoku Safari Park sa Fukushima region, ay nasumpungang duguan mula sa kaniyang leeg at walang malay sa loob ng kulungan ng isang leon.
Ayon sa isang tagapagsalita ng pulisya na ayaw magpakilala, “It is believed that he was feeding a lion.”
Una rito ay sinabi ng isang senior park official na tinatangka ni Kato na painan ng pagkain ang isang leon para pumasok sa kaniyang kulungan, ngunit hindi nito ikinandado ang isang pinto na haharang sa kaniya at sa leon.
Sinabi ni Norichika Kumakubo, vice-president ng parke, “The process is that we open the door, and place the food. Once the food is placed, the door is to be closed and locked. But ‘the door was open’ at the time.”
Si Kato ay isang beteranong staff member na nagpapakain sa mga carnivores gaya ng mga leon, tigre at oso.
Sabi pa ni Kumakubo, “We deeply apologise to Mr. Kato and his family. We regard this extremely seriously. We will take measures to prevent similar accidents.”
Samantala, mananatili munang sarado ang pasilidad hanggang sa makapagpatupad sila ng epektibong prevention measures ayon kay Kumakubo.