Zubiri di nababahala sa ugong ng kudeta sa Senado

Ipinag-kibit balikat lamang ni Senate President Juan Miguel Zubiri ang mga alingasngas ng pagpapatalsik sa kaniya sa liderato ng Senado sa pagpasok ng 2nd regular session sa huling linggo ng Hulyo.

Sinabi ni Zubiri na hindi siya nababahala at normal na nangyayari ito sa Senado tuwing magkakaroon ng break.

Pero tiniyak ng Senate President na hindi siya kapit-tuko sa pwesto at handang i-turn over ang posisyon sa sinuman na maaaring pumalit sa kaniya sa Senate leadership.

“It’s just a state of mind, expectations mo dapat babaan, para sa ganun alam mo. Nakatikim na ako ng resignation, almost 12 years nagresign na ako, natalo na ako, so ang aking bonus na lang ito na binigay ng ating mahal na panginoon. I’ve already gone through so many hardships politically, if God says take a break, take a break. I don’t feel threaten, i don’t feel sad,” pahayag ni Zubiri.

Inamin naman ni Zubiri na kinausap nya si Senador Jinggoy Estrada matapos matanggap ang report habang nasa Amerika sya.

Si Estrada ang maugong na papalit umano kay Zubiri.

“Isa ako sa bumisita kay Sen. Jinggoy when he was incarcerated. Sabi nya wala syang plano di niya alam saan galing ang balita,” dagdag ng Senate leader.

Nagpasalamat naman si Zubiri sa patuloy na suporta ng kanyang mga kapwa senador.

Wala raw lumapit sa kanya para sabihing hindi na sila masaya sa kanyang pamamalakad sa senado.

Pero sa haba ng kaniyang panunungkulan sa gobyerno natutunan nya nang ihanda ang sarili sa anumang darating at kasama na dito ang posibleng pagbaba nya sa pwesto

Isa raw dyan ay pag dumating ang panahon na gusto na syang palitan ng mga kasamahan nya bilang lider ng senado.

Dumepensa naman ito sa umanoy pagiging mabait nya sa mga senador na umanoy sinasamantala ng ilan kaya nawawalan na ng proper decorum

Nirerespeto nya raw ang opinyon ng sinuman pero magkakaiba aniya ang style ng leadership.

“I will be more assertive. Iba kasi leadership style naming… I instructed the secretariat and OSAA [Office of the Senate Sergeant-at-Arms]. We must be mindful of the rules, kapag may maingay sa likod, I will suspend session even if there’s discussion. Gives them time to discuss mag-usap na kayo,” dagdag pa ni Zubiri

Meanne Corvera

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *